Sana’y Wala Nang Wakas
Sharon Cuneta
Sana'y wala ng wakas
Kung pag-ibig ay wagas
Paglalambing sa'yong piling
Ay ligaya kong walang kahambing
Refrain:
Kung 'di malimot ng tadhana
Bigyang-tuldok ang ating ligaya
Walang hanggan ay hahamakin
Pagka't walang katapusan
Kitang iibigin ...
Chorus:
Kahit na ilang tinik
Ay kaya kong tapakan
Kung 'yan ang paraan
Upang landas mo'y masundan
Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
Hindi kita maaaring iwanan ...
Kahit ilang awit ay aking aawitin
Hanggang ang himig ko'y
Maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat ang dapat tawirin
Higit pa riyan ang aking gagawin ...
Sana'y wala ng wakas
Kapag hapdi ay lumipas
Ang mahalaga ngayon ay pag-asa
Dala ng pag-ibig saksi buong daigdig
(Repeat refrain & chorus)
'Di lamang pag-ibig ko
'Di lamang ang buhay ko'y
Ibibigay Sa ngalan ng pag-ibig mo
Higit pa riyan aking mahal
Ang alay ko! ...