Bituing Walang Ningning
Sharon Cuneta
Kung minsan ang pangarap
Habang buhay itong hinahanap
Bakit nga ba nakapagtataka
Pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa ...
Mga bituin aking narating
Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan ating ningning ...
Refrain 1:
Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y
Walang paglaho mong pagtingin ...
Refrain 2:
Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon
Ako'y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig ...
(Repeat 2nd stanza & refrain 1)
(Repeat refrain 2 except last line)
Nagkukubli sa liwanag at kislap
Ng ating pag-ibig ...