Pangarap Na Bituin
Sharon Cuneta
Saang sulok ng langit ko matatagpuan
Kapalarang 'di natitikman
Sa pangarap lang namasdan
Isang lingon sa langit
At isang ngiting wagas
May talang kikislap
Gabay patungo sa tamang landas ...
Chorus:
Unti-unting mararating kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin ...
Ilang sulok ng lupa
May kubling nalulumbay?
Mga sanay sa isang kahig
Isang tukang pamumuhay
Isang lingon sa langit
Nais magbagong-buhay
Sa ating mga palad
Nakasalalay ang ating bukas ...
(Repeat chorus)
Coda:
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin ...